Xian Lim, opisyal nang Kapuso!

Opisyal na ring Kapuso ang aktor, host at director na si Xian Lim, at makakatambal niya sa unang pagkakataon si Jennylyn Mercado.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabi ni Xian na overjoyed at thankful siya sa una niyang proyekto sa Kapuso Network.

“I feel really happy and very excited na nandito ako, you interviewing me, I’m really grateful sa lahat ng nangyayari,” sabi ni Xian.

Dumalo na siya ng story conference ng series na “Love, Die, Repeat,” at makakasama niya rito sina Jennylyn, Mike Tan at Kim Domingo.

Sinabi ni Xian na excited na siyang makasama si Jennylyn.

“I watched her film with John Lloyd, and I instantly became a fan dahil aside from magaling siya, I don’t know… There is just something about Jennylyn na parang, wow, ang galing naman, ang galing naman nitong taong ito. You can tell that she is very passionate with what she is doing,” sabi ni Xian.

Bukod dito, nakita na rin ni Xian sa online ang iba pa niyang co-actors na makakasama sa series.

“Ramdam na ramdam ko lang talaga ‘yung positive vibes from the production team, to our director Irene (Villamor), and to the people I’m gonna be working with, to my co-actors. Nakakatuwa lang, kasi alam mong magiging masaya ‘yung samahan,” ani Xian.

Labis daw na nagustuhan ni Xian ang konsepto ng kanilang series lalo nang mabasa niya ang buong script.

“Kakaiba ‘yung kuwento. I would say na this would be the first attempt for this genre to be in a teleserye. In terms of my character, it is also, para sa viewers natin, para sa mga Kapuso natin. And of course to all the fans and supporters watching. I would say it’s something different na maibibigay ko sa table this time around,” anang aktor.

Bukas si Xian sa iba pang maaaring ibigay na proyekto sa kaniya ng Kapuso Network, tulad ng directing at hosting tulad ng pageants at game shows.

Ilan pa sa mga bagong Kapuso sina Pokwang at Bea Alonzo.–Jamil Santos/FRJ, GMA News

Tags:

Xian Lim

Leave a Reply

Your email address will not be published.

%d bloggers like this: