Winwyn Marquez, ipinakilala na ang kaniyang non-showbiz partner

May pamaskong handog si Winwyn Marquez sa kaniyang fans matapos niyang ipakilala na ang kaniyang non-showbiz partner sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa Instagram, nag-post amg Kapuso actress ng larawan nila ng kaniyang partner na hindi niya pinangalanan, kasama ang kaniyang anak na Luna.

“Sending you warm Christmas wishes from our family to yours!” saad ni Winwyn sa caption.

Umaasa si Wynwyn na “this season may bring a renewed sense of hope, faith, and love into your lives.”

“Let us all pray for healing and peace for ourselves and for the world around us,” patuloy niya.

Una nang sinabi ni Winwyn na engaged na sila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na tinawag niya na kaniyang first love.

Nitong 2022 nang isinilang ni Winwyn si Luna.— FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: