WATCH: Empress Schuck, balik trabaho sa isang episode ng ‘Tadhana’

By Michelle Caligan

Pagkatapos manganak noong isang taon, balik trabaho na ang young actress na si Empress Schuck. Abala sa taping ngayon ng isang episode ng Tadhana si Empress.

Sa panayam ni Lhar Santiago ng 24 Oras, sinadya raw ng aktres na pansamantalang talikuran ang showbiz pagkatapos niyang isilang ang anak na si Athalia.

“Hinintay ko muna talaga na umabot siya ng one year old. Right now, preparing and ready na talaga for more work,” saad niya.

Pagdating naman sa personal na buhay, masaya si Empress sa piling ng kanyang boyfriend na si Vino Guingona, na siya ring ama ni Athalia.

Happiest birthday yet 😍

A post shared by Empress Schuck (@itsempressita) on

“Simple living kami, and siyempre non-showbiz naman siya. Kung ano naman ang life namin dati, ganun pa rin naman. Masaya pa rin naman.”

Panoorin ang buong report dito:

Video courtesy of GMA News

(Article from www.gmanetwork.com Image from www.sarablack.com)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: