Vico sa netizen: Next time na tawagin mo akong ‘babe mayor’ may penalty na

By Ervin Santiago

Patuloy na naghahatid na good vibes sa social media ang bagong halal na mayor ng Pasig City na si Vico Sotto. Talagang sinasagot niya ang mga netizens na nagpapadala ng mensahe sa kanya.

Pagkatapos ng kanyang viral photo kung saan tila nagkaroon ng wardrobe malfunction sa suot niyang barong during his oath taking last Monday, may bagong paandar at pakilig na naman ang anak ni Bossing Vic Sotto sa Twitter.

Isang netizen kasi na taga-Pasig ang tumawag kay Vico ng “babe mayor” na nakiusap na huwag sana niyang tatanggalin ang scholarship program sa Pasig dahil ito lang daw ang pag-asa niyang maka-graduate sa college.

Ito naman ang pilyong sagot sa kanya ni Vico, “Yes for the first year we will maintain the current funding and focus on streamlining requirements, processeses. Pero next time na tawagin mo kong ‘babe mayor’ may 500 peso penalty hahaha!”

Bukod dito, may isa pang follower sa social media ang alkalde ng Pasig ang nagpahayag ng pagnanasa sa kanya matapos makita ang kanyang mukha sa isang tarpaulin na ginamit noong mag-celebrate siya ng kanyang 30th birthday noong June 17.

Sey ng netizen, “Mayor @VicoSotto pakitanggal na nyan at pakilagay na lang sa bahay.” Na sinagot naman ni Vico ng, “Kunin mo na po magpapasalamat pa ko sa yo haha!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: