Sarah Lahbati at pamilya, nakaligtas sa car accident sa Skyway

Tatlong sasakyan, kabilang ang sinasakyan ni Sarah Lahbati at kaniyang pamilya, ang nasangkot sa isang aksidente sa Metro Manila Skyway, ayon sa aktres.

Sa mensahe ng aktres nitong Biyernes sa Instagram broadcast channel, inihayag niya na ligtas ang mga sakay sa tatlong sasakyan.

“Just when you think everything you worry about should be the center of the world, you’re reminded of God’s lessons, promises, and the bigger picture,” saad ni Sarah. “All you have to do is take a step back and let Him guide you.”

Patuloy ni Sarah, “We were involved in an accident on the skyway. Fortunately, all three cars involved avoided any casualties, and we are all okay.”

Nilinaw ni Sarah na hindi niya isinulat ang mensahe “for you to feel bad for us,” pero sa halip, “this year has been the toughest of my life, yet I am reminded of God’s goodness, His second chances, and His promises.”

Hindi binanggit ng aktres kung sino ang mga kasama niya sa sasakyan pero inihayag niyang maayos ang kanilang kalagayan.

“Things could have been much worse, yet my family and I are alive and well,” sabi pa niya. “La vie est belle. Life goes on.”

Nitong nakaraang linggo, nagpunta sa Sarah sa Batangas kasama ang dalawa niyang anak at mga magulang.

Napansin ng kaniyang mga follower na wala sa larawan ang kaniyang mister na si Richard Gutierrez, sa harap na rin ng mga bali-balitang mayroong problema sa kanilang pagsasama.

BASAHIN: Annabelle Rama: ‘Mag-enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento’

Wala pang opisyal na pahayag ang mag-asawa tungkol sa isyu. Habang ang kaniyang biyenan na si Annabelle Rama, sinabing mahal niya ang kaniyang mga apo at hindi niya nais na maghiwalay ang mag-asawa.– FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: