Pokwang, isinugod sa ospital
MANILA — Wala pang isang buwan matapos niyang ihayag na siya’y nagdadalang-tao sa edad na 44, isinugod sa ospital ang komedyanteng si Pokwang.
Sa panayam ng ABS-CBN News sa kanyang asawang si Lee O’Brian noong nakaraang buwan, inamin ng American actor na talagang sensitibo ang pagbubuntis ng kanyang misis dahil na rin sa edad nito.
Isa sa mga bumisita kay Pokwang ay ang kanyang kaibigan at kapwa komedyanteng si K Brosas.
Ayon kay Brosas, nasa mabuti nang kalagayan ang kanyang kaibigan bagama’t pinagbalawan muna siyang gumalaw-galaw at siya’y mas pinag-iingat.
Nasa mabuting kalagayan din daw ang baby ni Pokwang, pero nanawagan pa rin ng dalangin si Brosas para sa mas ligtas na pagbubuntis ng kanyang kaibigan.
(Article from news.abs-cbn.com/entertainment Image from www.filcommunity.com)