Pagbabalik ng Kapuso New Year Countdown, dinagsa ng mga tao sa MOA

Pagkaraan ng tatlong taon, nagbalik na ang Kapuso New Year Countdown para salubungin ang 2024 sa Mall of Asia na dinagsa ng mga tao.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabing nag-enjoy ang mga tao sa energetic live performances ng mga Kapuso star at ang inabangang bonggang fireworks display.

Naging pasabog ang opening number first winner ng Voice Generation na Vocalmyx. May song number din sina Christian Bautista at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee.

Nandoon din ang Firefly stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, pati na sina Sanya Lopez, Ken Chan, Kyline Alcantara, Rabiya Mateo, Ashley Ortega, Lexi Gonzales, Kristoffer Martin, Sofia Pablo at Allen Ansay, pati ang Queendom members na sina Rita Daniela, Jessica Villarubin, Mariane Osabel, Thea Astley at Hannah Precilllas, at iba pa.

Nag-perform din ang Ppop group na 1621BC, at ang South Korean-based Ppop group na Horizon.

Nagtapos naman ang selebrasyon sa performance nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose and Rayver Cruz.

Na-miss daw nina Julie at Rayver ang pagpe-perform sa GMA New Year’s countdown na natigil dahil sa COVID-19 pandemic.

“Grabe napakaraming tao and naramdaman namin na talagang after the pandemic talagang sabik na yung mga taong mag-celebrate ng countdown nang sama-sama,” ani Julia Anne.

“First time ko na-experience yung ganitong live ulit sa SM MOA. Grabe sobrang sayang experience at excited na ako agad for next year,” ayon kay Rayver.

May New Year’s messages naman para sa mga Kapuso sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, at Kapuso Power couples na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, gayundin sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Bumati rin si GMA Network Chairman Atty. Felipe Gozon, na nagpahayag na patuloy na magbibigay ng serbisyo ang Kapuso network sa lahat ng Pilipino sa mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na entertainment at accurate na news programs sa TV at sa digital.– FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: