Marian Rivera at Heart Evangelista, nag-exchange ng kanilang Christmas greetings sa isa’t isa

Nagpalitan ng kanilang Christmas greetings sa social media sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Sa Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Martes, pinost ni Heart ang kanilang Christmas family photo kasama si Senator Chiz Escudero, Chesi, Quino at kanilang fur babies.

“From our family to yours, have a blessed Christmas and happy holidays!” caption ni Heart.

“Merry CHRISTmas,” komento naman ni Marian sa post.

Tinugunan ito ni Heart ng “[M]erry Christmas !!”

Matatandaan na Oktubre nang muli nilang i-follow ang isa’t isa matapos ang ilang taon na hindi pagkakaunawaan.

“I don’t want it to be anything that’s for publicity because something like that should be from your heart. Marian and I, we’ve always liked each other,” sabi ni Heart sa panayam sa kaniya sa isang fashion event.

“Real queens support each other. It’s a testament that it’s really the people around us that makes things bad,” dagdag pa ni Heart.

“Nandun ako sa peaceful, na finally in God’s perfect time. Siguro kung ano man ‘yung pinag-uusapan namin behind, siguro ibalato niyo na lang sa amin kasi it’s too personal for us,” pahayag naman ni Marian.  —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: