Maja Salvador, kasama sa pasilip ng ‘Gyeongseong Creature’ Part 2

Kasama si Maja Salvador sa pasilip na promotional video para sa part 2 ng Netflix series na “Gyeongseong Creature.”

Sa nasabing video, makikita ang Korean stars na sina Park Seo Joon at Han So Hee na nadiskubre ang isang laboratoryo na may nakasulat na “Manila” patungkol sa “Philippine creature.”

Sa isang dingding, nakalagay ang mga guhit tungkol sa kakaibang mga nilalang, kasama ang tila mukha ni Maja.

Bago matapos ang video, ipinakita si Maja na nakakulong suot ng uniporme ng tila bilanggo.

Sa titulo ng Youtube video, nakasaad na: “Park Seo-jun and Han So-hee Discover Maja Salvador in Onseong Hospital?”

Mapapanood na ang unang seven episode ng “Gyeongseong Creature” sa Netflix, habang ipapalabas naman sa Biyernes ang part 2 nito.

Pahinga muna sa showbiz si Maja na buntis ngayon. Ikinasal siya kay Rambo Nuñez noong nakaraang taon. —FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: