Kris Bernal sa kaniyang nag-viral na haircut sa ‘Starstruck”: ‘Akala ko iku-curl perm ako’

Inilarawan ni Kris Bernal na “pinaka-drastic” na makeover ang ginawang haircut sa kaniya noon sa Starstruck Season 4, na nag-viral at ginawan pa ng memes ng netizens.

“Nagulat nga po ako na nag-viral, actually gusto kong mag-react nung time na ‘yon kaya lang talagang very focused ako kay baby. Ayoko ko pang manggulo ng social media,” kuwento ni Kris sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

“May makeover kami. Very excited ako noong una, kasi ever since long hair talaga ako, ayoko ng nagpapagupit. So akala ko iku-curl perm ako,” pagbalik-tanaw ni Kris sa ginawa sa kaniyang make-over noon.

Ngunit ikinagulat ni Kris na siya lang ang naiba sa mga kasamahan niyang Starstruck contestants.

“Tapos nagulat ako sa lahat ng Starstruck contestants, sa akin ang pinaka-drastic talaga ang makeover,” kuwento pa niya.

Ngunit dahil contestant siya noon, sinabi ni Kris na hinayaan na lang niya ang nangyari.

“Bilang ano… bawal akong umangal, baka maligwak ako kapag umangal ako. So talagang iyak ako, iniyak ko na lang talaga. Kunwari happy ako, ngumingiti-ngiti na lang ako, pero hindi ko talaga gusto ‘yung hair ko,” natatawa niyang sabi.

“Wala akong magawa sa buhok ko. Walang magawa, hindi mo makulot, hindi mo malagyan ng hair extensions,” pagpapatuloy ni Kris.

Nag-viral ang hairstyle ni Kris nang i-post ng GMA Network ang isang throwback video niya na tila galing sa pag-iyak nang ipakita ang maigsi niyang buhok at hindi pantay na bangs at naka-layer.

Unang natunghayan si Kris nang sumali siya sa “Starstruck: The Next Level” noong 2006.  Itinanghal siya bilang Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero. Si Jewel Mische ang naging Ultimate Sweetheart, at si Aljur Abrenica ang Ultimate Hunk.

“Nanalo ako, at saka lagi nilang naaalala si Kris Bernal ‘yung contestant na may buntot ‘yung buhok (hawak sa kaniyang buhok)” sabi niya. — FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: