Joshua Garcia, inilahad na naging hamon sa kaniya ang role na may mental health problem sa ‘Unbreak My Heart”

Inihayag ni Joshua Garcia na hamon sa kaniya ang pagganap bilang si “Renz” na may mental health problem sa romantic-drama series na “Unbreak My Heart.”

“‘Yung character mismo na ginampanan ko challenging kasi may obsessed siya na tao, tapos may mental problem din siya, ang dami niya ring trauma sa buhay,” sabi ni Joshua sa GMA News “Unang Hirit.”

“Ang hirap. Habang tumatagal kasi siyempre paangat nang paangat ‘yung mga eksena, palala rin nang palala,” pagpapatuloy ni Joshua.

Ikinuwento rin ni Joshua na matapos mag-workshop, nag-request siya ng apat o limang araw na leave para mag-internalize sa kaniyang karakter.

“Naghanap ako ng lugar na mag-isa lang ako, nag-create ako ng character doon,” anang aktor.

Kasama ni Joshua sa “Unbreak My Heart” sina Gabii Garcia, Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Sunshine Cruz, at iba pang malalaking stars.

Napapanood ang “Unbreak My Heart” na nalalapit na ang pagtatapos sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, I Heart Movies, at GTV.  Mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV at TFC. — Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: