John Arcilla, Dingdong Dantes at Alden Richards, nagkasama-sama sa MIFF sa L.A.

Naging tila promo photo ng isang pelikula ang larawan na ipinost sa Instagram ni John Arcilla na kasama niya sina Dingdong Dantes at Alden Richards.

Kuha ang larawan sa Los Angeles sa USA habang dumadalo sa Manila International Film Festival 2024.

Ipinalabas doon ang mga pelikulang kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

“HOLLYWOOD. #MIFF2024 Godbless everyone!” saad ni John sa caption.

“God bless the Philippine Cinema,” patuloy niya.

Kasama si John sa pelikulang “Penduko,” na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli. Sa kaniyang post, nilagyan niya ito ng hashtag na “Rewind” at “Story of Two.”

Bida sa “Rewind” si Dingdong, at katambal si Marian Rivera. Habang si Alden naman ang bida sa “Story of Two,” kasama si Sharon Cuneta.

“Brilliant Actors. Congratulations!,” komento ng isang follower ni John.

May followers din si John na nagkomento na magkaroon sana ng proyekto na magkakasama ang tatlong aktor.

“Pwede makakapatid to sa isang movie ohhh soobra worth it panoorin nun sir!,” ayon sa komento.

Nagkasama na sina Dingdong at John sa isang action-thriller movie na “Hard Day,” noong 2021.

Bukod naman sa “Rewind,” kasama rin si Dingdong sa GMA Pictures’ “Firefly,” na itinanghal na Best sa MMFF. — FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: