Jo Koy sa biro niya kay Taylor Swift sa Golden Globes: ‘It was a weird joke’

Hindi itinago ng Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy na nasaktan siya sa mga puna sa pagiging host niya sa katatapos lang na Golden Globes.

Gumawa ng kasaysayan si Jo Koy bilang kauna-unahang Fil-Am na naging ng host ng prestihiyong pagtitipon ng mga Hollywood’s A-listers at pinakasikat na personalidad sa US.

Gayunman, may mga hirit na patawa ang komedyante na hindi swak sa panlasa ng mga nakapanood.

Sa panayam ng “Good Morning America,” inihayag ni Jo Koy na magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nasaktan sa mga puna tungkol sa kaniyang estilo ng pagiging host.

“I hit a like a little a moment there where I was just like, ‘ugh,’” saad ng komedyante na inilarawan ang hosting na “a tough game.”

“And yes, I am a stand-up comic, but that hosting, it’s a different style. You know, it’s not the same style,” paliwanag niya.

Sabi ni Jo Koy, “I feel bad, but hey, I gotta still say that I loved what I did.”

Partikular na tinukoy niya ang biro niya tungkol kay Taylor Swift at sa National Football League.

“It was a weird joke,” anang Fil-Am.

“It was more on the NFL, you know what I mean,” dagdag niya. “I was trying to make fun of the NFL using cutaways and how, you know the Globes didn’t have to do that. And so, it’s more of a jab towards the NFL, you know, but I don’t think it just didn’t come out that way.”

Nang tanungin kung magho-host pa rin siya ng Globes kung aalukin muli, saad ng komedyante, “That’s a tough gig, I’m not gonna lie. Like, I really love the art of stand-up. You know, it was cool that the opportunity came to me and hosting is just—it is a beast. And that’s about it.”

“It was a moment that I’ll always remember and you know, it’s a tough room. It was a hard job, I’m not gonna lie,” sabi pa ni Jo Koy.

Ayon kay Jo Koy, mayroon lang silang 10 araw ng kaniyang mga writer na gawin ang kaniyang monologue. Tinawag niyang “crash course” ang kaniyang hosting gig.

Bagaman malaking pagsubok daw ang paghahanda nila sa naturang hosting job, matutuwa pa rin si Jo Koy sa nagawa ng team na nasa likod ng programa.

“I literally got the call and haven’t slept since, just trying to write something, just to write what we had to write. And you know, the guys were great. Everyone was great,” aniya.—FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: