Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na at magkaka-baby

Inihayag ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na engaged na sila at magkakaroon na ng baby.

“We are getting married,” sabi ng Kapuso star sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes.

Ayon kay Dennis, simple lang pero intimate ang naging proposal na ginawa niya.

“Siyempre gusto ko hindi masyadong magarbo. Sa panahon ngayon, dapat maging practical. Ginawa kong simple pero heartfelt pa rin,” anang “Legal Wives” leading man.

“Wala akong idea dahil hindi ako masyado bumababa ng bahay. Pero nung time na ‘yun, sinabi sa ‘kin ni Dennis kailangan ko daw bumaba dahil may ishu-shoot daw kami parang future message,” saad naman ni Jennylyn.

“– To our future selves,” dugtong ni Dennis.

“Nagkaroon ako ng kutob nung nagsimula siya magsalita dahil seryoso niya akong kinakausap. ‘Parang may mangyayari ata,'” masayang sabi ni Jennylyn.

“Tapos noong nagsalita na siya, naiiyak ako. Kasi ngayon ko lang siya nakitang ganung ka-intense, ka-serious. Tapos lumuhod, nagulat ako bumukas ng pinto,” patuloy niya.

Sinabi ni Dennis na ginawa niya ang proposal sa bahay for safety reasons, at iba pang dahilan…

“Sa condition ni Jen, hindi siya makalabas ng bahay dahil may pinagdadaanan na medyo maselan,” ayon kay Dennis.

Nang tanungin ni Nelson si Jennylyn kung buntis siya, tugon ng aktres, “Positive ako.”

Sinabi ng aktres na dalawang buwan na ang nakalipas nang maramdaman niya sintomas habang nagta-taping para sa upcoming series na “Love. Die. Repeat.”

Kabilang sa naramdaman niya ang pagiging emosyonal, acid reflux, hilo at naging delayed ang buwanan niyang dalaw.

“Sa tamang oras, sa tamang panahon, sa pagkakataon na ready ka na siguro, duon siya ibibigay sa’yo,” ani Jennylyn. “May 2 boys na kami so sana, sana ibigay sa amin ang baby girl.”

Nitong nakaraang Enero, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang 7th anniversary .- FRJ, GMA News

Leave a Reply

Your email address will not be published.

%d bloggers like this: