Jak Roberto, nag-iisip na sa magiging kasal nila ni Barbie Forteza?

Inihayag ni Barbie Forteza na napag-uusapan na nila ng kaniyang nobyo na si Jak Roberto ang kasal.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, masayang ikinuwento ni Barbie ang ginawang pagpapadala sa kaniya ni Jak ng video tungkol sa mga kasal.

“Kinikilig ako kapag nagse-send siya sa akin ng wedding videos sa Instagram. Sabi ko, ‘Okay.’ So pumapasok sa isip niya. Tapos sine-send niya sa akin, he wants to get involved in that area,” ayon kay Barbie.

“Kasi ‘di ba ang boys ayaw nilang nagpa-plan ng wedding,” pagpapatuloy niya.

Inilarawan ni Barbie na “unbreakable” na ang pagmamahal na mayroon sila ni Jak dahil na rin sa maturity ng kanilang relasyon.

“The kind of love that I want and that I think I have na, is something that’s unbreakable, I feel like,” sabi ng aktres.

Sa naturang panayam din, ikinuwento ni Barbie kung gaano kasuportado si Jak sa tambalan nila ni David Licauco, kahit pa nagiging dahilan ito kung minsan para hindi sila magkita.

Naging magkasintahan sina Barbie at Jak noong Mayo 19, 2017. —FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *