Iba’t ibang longganisa sa Pilipinas, bida sa ‘Pinas Sarap!’

May matamis, may maalat-alat at mayroon ding mabawang. Saan mang sulok ng bansa, may kani-kaniyang bersyon ng pagkaing ito. Ngayong Huwebes samahan si Kara David tuklasin ang kuwento sa likod ng isa sa paboritong almusal nating mga Pilipino—ang Longganisa!

 

Dinarayo ang Vigan dahil sa Calle Crisologo, ang pamoso nitong kalye na tila dadalhin ka sa panahon ng mga Kastila. Pero mas sulit nga raw ang pagbisita sa probinsiya dahil sa masarap nilang Vigan Longganisa. Kumpara sa ibang Longganisa, mabawang at hindi matamis ang Vigan Longganisa. Mas masarap din ito kung isasawsaw sa sukang iloko.

 

 

Pero kung gusto mong tikman ang ibat ibang klase ng Longganisa, hindi mo na kailangan pang dumayo sa iba’t ibang probinsiya. Dahil sa Mandaluyong City, isang restaurant ang naghahain ng Longganisa mula sa iba’t ibang rehiyon.

Karaniwang gawa sa giniling na karne ang Longganisa. Pero kung gawa ito sa lamang dagat, titikman mo ba? Sa Bacoor Cavite isang kakaibang Longganisa ang matitikman, ang tahongganisa! Sisirin ni Kara ang dagat para manguha ng sariwang tahong na gagawing Longganisa.

Makikita rin ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa pagluluto ng Longganisa. Ilang Longganisa fusions ang ating matitikman… ang Longganisa tart, Longganisa tempura, Longganisa pasta at Longganisa chowder. Siyempre meron ding dessert, ang maja con Longganisa!

Sagot na namin ang inyong Longganisa cravings, tutok na ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11 sapinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap!

(Article and Images from www.gmanetwork.com)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: