EXCLUSIVE: Amal Rosaroso, winner ang pakiramdam sa pagiging ‘Wowowin’ host

By CHERRY SUN

“Parang winner na winner talaga ako.”

Ito ang buong galak at pagpapakumbabang inamin ni Amal Rosaroso sa exclusive interview ng GMANetwork.com nang kamustahin siya tungkol sa pagiging host sa Wowowin.

Nagsimula si Amal bilang isang contestant sa ‘Gandang Filipina.’ Umabot lamang siya hanggang top 10 ngunit ngayon ay nag-ho-host na siya kasama si Willie Revillame.

Hindi raw niya inexpect na maging host ngunit natutuwa siya sa bagong karanasang ibinigay sa kanya.

Sambit ni Amal, “Noong una nahihirapan ako kasi wala akong experience. Pero noong una [rin] naman, pinu-push ako nila Kuya na ‘ganito gawin mo.’ Tinuturuan nila ako para hindi ako mailang sa trabaho.’

“Para sa akin pag pumapasok ako sa Wowowin, parang araw-araw best moment eh,” patuloy niyang kuwento.

Kahit baguhan pa sa kanyang hosting stint sa Kapuso variety game show, marami na raw natutunan si Amal kay Kuya Wil.

Bahagi niya tungkol dito, “Lagi mong mamahalin ‘yung mga taong nanonood sa’yo, ‘yung mga nagmamahal sa’yo. ‘Yung mga sumusuporta sa’yo, lagi mo silang mamahalin kasi sila ‘yung way mo para mapunta ka sa ganito.”

Kaya naman, todo ang pasasalamat ni Amal sa kanyang mga taga-hanga.

Mensahe niya sa kanila, “Thank you. Thank you so much talaga kasi kung hindi dahil sa kanila, wala ako dito, hindi rin naman ako mapapansin. Ganun, kaya thank you talaga. Syempre mahal na mahal ko sila. Nafi-feel ko ‘yung love nila sa akin.”

(Article from www.gmanetwork.com Image from topsy.one)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: