Deklara ni Gaile Francesca na anak umano ni Francis Magalona: ‘I am my father”s daughter’

Inihayag ni Gaile Francesca na hindi siya apektado sa magkakahalong reaksyon ng publiko matapos na ihayag ng kaniyang ina na anak umano siya ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

“I don’t mind the comments po kasi I know the story, and so no comment na lang po ako roon. Basta I know the story that’s why I’m not affected at all. And also my family,” sabi ni Francesca sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.

“All I know is that I am my father’s daughter,” pagpapatuloy pa ng 15-anyos na dalagita.

Tinanong din si Francesca kung may panghihinayang siya sa pagbenta ng jersey ni Francis M., na dating nasa pangangalaga ng kaniyang ina.

“Noong una po ayoko po. Pero na-realize ko rin po na kung nasa bahay lang po siya or nakatago lang siya sa closet, I felt na better siya if pinreserve since may story din po ‘yung jersey na ‘yun,” sabi pa niya.

Anim na buwang gulang pa lamang noon si Francesca nang pumanaw si Francis M.

Hindi man niya nakilala at nakapiling ang Master Rapper, alam daw niya kung ano ang ipapayo sa kaniya ng ama kung nabubuhay pa ito.

“‘Kaya mo ‘yan. Be brave,’” sabi ni Francesca.

Inilahad ni Francesca na desidido siyang gumawa ng pangalan sa showbiz.

Bago nito, matatandaang may isang ginang na dating flight attendant na si Abegail Rait ang nagpakilalang nakarelasyon umano niya si Francis M.

BASAHIN: Jersey ni Francis Magalona, binili ni ‘Boss Toyo’ sa halagang P500,000

Nangyari ito nang ibenta ni Abegail ang jersey na bigay ni Francis sa kolektor na si Jayson Jay Luzadas o “Boss Toyo.”

Nabili ang damit sa halagang kalahating milyon o P500,000.

Sa kaniyang gig sa Marikina, inawit ni Francesca ang ilan sa mga sikat na kanta ni Francis M. na Kaleidoscope World at Superproxy.

Sinabi ni Francesca na importante sa kaniyang buhay ang mga kanta ni Kiko dahil ito ang paraan niya upang ipagpatuloy ang legacy ng kaniya umanong yumaong ama.– Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: