Cristine Reyes at Marco Gumabao, loyal sa kanilang relasyon

Inilahad nina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang kanilang sikreto sa pagiging loyal sa kanilang relasyon. Ang aktor, aminado na hindi mawawala ang tukso dahil nasa showbiz industry sila.

“Communication, importante po ‘yun, and talagang building trust. Trust is not built in a day. It should be everyday,” sabi ni Cristine sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

“It’s always important to have God in the center of the relationship. Kapag andiyan si God sa center ng relationship niyo, you will always pray for temptation to not go near you,” ayon naman kay Marco.

Aminado ang aktor na hindi mawawala ang tukso sa showbiz industry.

“Of course we are in the industry na showbiz na we work with other people, temptation is always there. It should always be a prayer na ilayo ka sa temptation,” sabi ni Marco.

Kasabay nito, sinabi ni Marco na naging malapit na siya sa kapatid ni Cristine na si Ara Mina, at may “sweet spot” sa kaniya si Amarah, na anak ni Cristine sa dati nitong partner na si Ali Khatibi.

BASAHIN: Cristine, sinabing annulled na ang kasal nila ng dating asawa na si Ali

“Noong nalaman niya [Ara], she was really happy for us,” sabi ni Marco.

“With Amarah naman, we are also close,” sabi ni Marco.

Ayon kay Marco, nakikita na niya si Amarah noong sanggol pa lamang ito nang maging magkatrabaho sila ni Cristine sa isang teleserye.

“I saw Amara grow up. Kumbaga I always have a sweet spot for her. Kahit noong wala pa siyang one year old. ‘Yun pala, ito (relasyon nila ni Cristine) ang reason.”

Sa Fast Talk segment, sinabi ni Marco na siya ang nag-first move kay Cristine, siya ang unang nagso-sorry, at siya rin ang unang nagsabi ng “I love you.” — FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: