Claire Castro, nagduda sa kaniyang kaseksihan dahil sa bashers

Naging emosyonal si Claire Castro nang mapag-usapan ang pagdududa niya sa kaniyang sarili dahil sa pambu-bully ng ilang basher online. Pero natututo na siyang mahalin ang sarili at balewalain ang mga ito.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, tinanong ni Tito Boy si Claire, “How difficult is it to be sexy?”

“To be honest po, I really don’t consider myself sexy,” tugon ni Claire, na nagsimulang maiyak.

“Because of the cyberbullies, sometimes I really doubt, ‘Sexy ba ako?’ ‘Kaya ko ba ito?’ ‘Kaya ko bang umarte?'” pagpapatuloy niya.

Nang tanungin ni Tito Boy kung gaano siya kadalas makinig ng mga komento ng iba, sumagot si Claire ng “a lot.”

Ibinahagi ni Claire na pinapayuhan siya ng kaniyang “Makiling” co-stars kung paano harapin ang bullying online.

“That’s what she (Myrtle Sarrosa) always tells me, sina Royce (Cabrera), sina Tun (Kristoffer Martin), ‘Bakit ka nagbabasa ng comments?’ So I really have to lessen it because I feel like I care too much about what other people think.”

“I see other people, ‘Bakit sila wala silang basher? Bakit ako lang lagi?’ ‘Yun po ang naiisip ko,” dagdag pa ni Claire.

Nagpayo rin si Tito Boy kay Claire at sa mga manonood na huwag magpaapekto sa sinasabi ng iba.

“You have to change that, lahat may bashers. Sorry to have asked that,” sabi ng King of Talk.

“My intent was, even being sexy is not easy. I would just like to say, do not be defined by what other people say. Ang tao, laging may masasabi tungkol sa ‘yo. But I think you have to go back to your core, ‘Who am I? Who do I love? Who do I like?’ Do not define yourself by the noise,” ani Tito Boy.

Anak si Claire ng 90s stars na sina Raven Villanueva at Diego Castro.

Sa parehong episode ng “Fast Talk”, ibinahagi naman ni Myrtle ang naranasan niyang bashing, pero mas pinagtutuunan daw niya ang kaniyang passion.

“Recently din I experienced a very heavy weight of bashing din, it was because of an event na na-criticize ako for one of the dresses that I wore,” kuwento niya.

“Sabi ko talaga sa kanila, sometimes you have to just not listen to all the noise. At the end of the day, you do the things that you do dahil passionate ka and hindi naman dahil you’re trying to impress other people,” sabi ni Myrtle. — VDV, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: