Celebrities, kaiisa ng mga Filipino sa pagboto sa Eleksyon 2022

Nakipila rin ang ilang celebrities nitong Lunes para makiisa sa mga Filipino sa pagpili ng mga ibobotong lider ng bansa sa Eleksyong 2022.

Nag-post ang mga celebrity sa social media ng kani-kanilang larawan para ipakita ang kanilang pagboto.

Kasama rin sa kanilang post ang mga paalala sa kanilang mga follower na maging maingat sa pagpili ng mga iboboto.

Bukod pa rin ang pag-iingat na rin dahil mayroon pa ring banta ng COVID-19 sa bansa.

Kabilang sa mga celebrity na bumoto ay sina Henyo Master Joey de Leon na kasama ang kaniyang asawa na si Eileen.

“Everything [is now] in God’s hands,” anang Eat Bulaga Dabarkads.

Pati na sina Michael V., Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, Bea Binene, Bea Alonzo at iba pa.

FRJ, GMA News

Leave a Reply

Your email address will not be published.

%d bloggers like this: