Cast ng ‘Running Man’ South Korea,’ pupunta muli sa Pilipinas sa July

Pupunta muli sa Pilipinas sa Hulyo ang cast ng “Running Man” South Korea.

Sa social media post, inihayag ng concert promoter na Pulp Live World, na pupunta sa Pilipinas sina Yoo Jae Seok, Jee Seok Jin, Kim Jong Kook, Haha, Song Ji Hyo, at Yang Se Chan, para sa “Running Man Live in Manila: Run 2 U,” na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Mabibili ang tickets para sa naturang show simula sa June 16 sa SM Tickets outlets nationwide at online sa smtickets.com.

Nagkakahalaga ang ticket ng mula P3,000 para sa Generic Admission hanggang P12,000 para sa VIP Standing section.

Ang mga VIP Standing at VIP Seated ticket ay makakasama sa raffle para sa group photo. Samantala, kasama naman ang lahat ng fans na may ticket para sa raffle ng sign poster.

Noong nakaraang taon, bumisita sa Pilipinas ang “Running Man” na tinawag na “A Decade of Laughter.”

Ang “Running Man” ang longest-running variety show ng SBS Channel, na napapanood sa telebisyon mula pa noong 2010.

Ang Philippine adaptation ng show na “Running Man Philippines” ay produced ng GMA Network at SBS Korea na napapanood na ngayon ang ikalawang season.

Kasama sa cast ng “Running Man Philippines 2” si Angel Guardian, na ultimate runner sa Season 1, at sina Glaiza De Castro, Mikael Daez, Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, Buboy Villar, and Miguel Tanfelix. —FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *