Boy Abunda, inimbitahan na maging judge sa Miss Universe 2023 pero na-disqualified

Sinabi ni Boy Abunda na naimbitahan siya na maging hurado sa katatapos lang na Miss Universe 2023 pero na-disqualified dahil sa naging panayam niya sa isang kandidata– si Michelle Dee.

“Ako ay naimbitahan, but I was also disqualified from judging this year’s Miss Universe dahil I did an interview with one of the candidates, si Michelle Dee,” sabi ni Tito Boy sa “The Talk” segment sa episode ng kaniyang show na “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

“Sa kanilang rules ay bawal [‘yun],” dagdag niya.

Ginawa ni Tito Boy ang panayam kay Michelle ilang araw bago bumiyahe ang Sparkle artist pa-abroad para sa paglaban sa nasabing beauty pageant.

Gayunpaman, sinabi ng King of Talk na mahalaga ang naturang panayam niya kay Michelle, at sa kandidata ng Pilipinas ang boto niya kung naging judge siya sa kompetisyon.

“I can imagine how difficult it is to judge, but we’re still very happy, Michelle got to the Top 10,” saad ni Tito Boy.

“We just have a lot of questions, but pagdating ni Michelle dito sana’y magkaroon tayo ng pagkakataong makausap [siya] nang personal,” dagdag niya.

Sa pag-guest ni Michelle sa “Fast Talk,” binigyan siya ng pageant-like Q&A portion na umani naman ng paghanga ang kaniyang mga naging sagot.

Nakapasok si Michelle sa Top 10 ng Miss Universe pageant, at nakatanggap ng tatlong special awards, kabilang Voice for Change.—FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: