Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup

Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.

Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy sa kaniyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” na may mga nagkokomento at pinapalabas na ang aktres ang may problema, bagay na tinawag ng TV host na napaka-judgemental.

“Dito sa kuwentong ito, ipinalalabas na may problema si Bea Alonzo. Kasi naghiwalay sila ni Gerald Anderson, naghiwalay sila ni Zanjoe Marudo. ‘Ay hindi nagtatagal ang kaniyang mga relasyon,’” ani Tito Boy. “To me, napaka-judgmental po nu’n.”

Payo si Tito Boy sa nagkokomento, pairalin ang kabutihan, lalo na’t walang nakakaalam sa buong detalye sa nangyaring hiwalayan ng dalawa.

“Yes, you and I have the right to comment. Yes, we have the freedom of speech. Pero ako I appeal for kindness. What do we really know about this relationship? Do we know the nuances? Alam ba talaga natin ang detalye? Huwag naman,” saad pa ng King of Talk.

“The narrative is not about si Bea ang problema kaya sila naghiwalay. Sa pagkakaalam ko, ito diretsahan, si Bea gustong ma-save ang relasyon na ito. Bea wants this to work,” dagdag ni Tito Boy.

Ayon pa sa talk show host, hindi rin magaganda ang ilang salitang nababanggit ng mga nagkokomento tungkol kay Dominic.

“Masakit din pakinggan. ‘Walang pera. Hindi mayaman. Hindi sikat. Hindi karapat-dapat kay Bea.’ Cruel,” komento niya.

“You have the right to comment, you have the right to share your opinion. Pero sana’y let’s exercise prudence, caution and most important of all, kindness,” paalala ni Tito Boy.

Kinumpirma ni Tito Boy na hiwalay na sina Bea at Dominic, bagama’t nagkakausap at sinusubukan pa nilang ayusin ang kanilang relasyon.

Ngunit kung magkaayos man ang dalawa, naniniwala si Tito Boy na hindi na ngayong taon mangyayari ang kasal.

“Kung halimbawa maayos ang dalawang ito. From my sources, sigurado ako, ‘pag nagkaayos sina Bea at Dominic, no wedding is going to happen this year,” sabi ni Tito Boy.

Naging engaged sina Bea at Dominic noong July sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City. Taong 2021 nang maging magkarelasyon ang dalawa,

Nitong nagdaang holiday break, bumiyahe ang dalawa sa Sapporo, Japan at sinelyohan pa nila ang kanilang pagmamahalan sa Mount Moiwa.FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: