Bianca Manalo at nobyong si Sen. Win Gatchalian, magkapiling sa Canada

Magkapiling na sa Canada sina Bianca Manalo at kaniyang nobyong si Senador Sherwin Gatchalian.

Sa Instagram, nag-post si Gatchalian ng larawan nila ng actress-beauty queen habang nasa harapan ng Christmas decoration.

“Reunited and it feels so good…”saad ng senador sa caption.

Ni-repost naman ni Bianca ang larawan sa kaniyang Instagram Stories, at nagbahagi rin ng kuha nila sa labas ng kanilang kinaroroonan at may nakasaad na Vancouver, Canada.

Una rito, inihayag ni Gatchalian ang pagmamahal niya kay Bianca sa harap ng kontrobersiya tungkol sa palitan umano ng mensahe ng aktres at aktor na si Rob Gomez.

Kumalat sa social media ang umano’y palitan ng mensahe na may nakasaad na: “He’s not here. He’s in Valenzuela.”

Pero ayon kay Bianca, may mga tinanggal na mensahe sa post para malagyan ng malisya ng kung sino man ang nag-post nito.

“Rob Gomez and I are friends and co-workers. He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport,” nakasaad sa naunang paliwanag ni Bianca, na nagpunta noon sa Japan kasama ang pamilya.

BASAHIN: Bianca Manalo, nagsalita na tungkol sa viral ‘issue’ na iniuugnay siya kay Rob Gomez

Sinabi naman ni Rob na may gumamit ng kaniyang phone nang hindi niya nalalaman.

Sa kabila ng kontrobersiya, hindi naman nagpaapekto si Gatchalian.

“[Bianca] and I share the same values and principles in life,” anang senador. “No fake news will divide us apart.”

Bukod kay Bianca, may hiwalay na post din na kumalat na umano’y palitan ng mensahe ni Rob kay Herlene Budol na ipinapahiwatig din na may relasyon ang dalawa.

Pero itinanggi rin ni Herlene na may namamagitan sa kanila ni Rob, na katrabaho niya sa seryeng “Magandang Dilag,” na kasama rin si Bianca. —FRJ, GMA Integrated News

 

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: