Bea Alonzo at Dominic Roque, naglabas na ng pahayag kaugnay sa kanilang hiwalayan

Naglabas ng magkasamang pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa Instagram nitong Linggo kaugnay sa napabalitang paghihiwalay nila.

“After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement,” ayon sa dating magkasintahan.

“It was not an easy decision. We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults,” patuloy nito.

BASAHIN: 7 celebrity couples na ‘di nauwi sa kasal ang engagement

BASAHIN: Prenup agreement, ‘di naging isyu kay Dominic sa kasal sana nila ni Bea —Boy Abunda

“Unfortunately some even confirmed out breakup without our consent, created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families,” sabi pa sa pahayag.

Humingi ng pang-unawa sa publiko at kanilang mga tagasuporta sina Bea at Dominic kaugnay sa kanilang pinagdadaanan na “extremely painful yet united decision.”

“We sincerely request for everyone to kindly spare us from more cruel and very hurtful words thrown on social media,” hiling ng dalawa. “We kindly request to give us the privacy we need as we navigate our future lives with respect, kindness, compassion, and dignity.”

Enero 2021 nang mapabalita ang relasyon nina Bea at Dominic. Ilang buwan makaraan nito, kinumpirma ng Kapuso actress ang relasyon nila ng aktor.

Nitong nakaraang July, naging engaged ang dalawa at napabalita ang kasal na gaganapin ngayong taon.

Kasunod nito ang usapan-usapan na hiwalay na ang dalawa nang mapansin ng ilang netizens na hindi na suot ni Bea ang kaniyang engagement ring. Hanggang nitong nakaraang linggo, mula sa mga source, kinumpirma ni Boy Abunda na naghiwalay na ang dalawa.

Gayunman, sinabi ni Tito Boy na batay din sa kaniyang mga source, patuloy na sinusuyo ni Dominic ang kaniyang kasintahan.—FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: