Bagong pelikula ni Toni at Piolo, malapit nang matapos

MANILA — Good news ang ibinalita ni Toni Gonzaga na malapit nang matapos ang shooting ng bago nilang pelikula ni Piolo Pascual na matagal nang inaabangan at kinasasabikan na mapanood ng fans.

“Last 3 or 4 shooting days na lang ako and exciting kasi akala ko noon matagal-tagal bago ulit kami magkakasama ni PJ (Piolo),” ani Toni.

 Dahil sa malaking kinita ng “Starting Over Again,” na unang pinagtambalan nina Piolo at Toni, hindi nila inakala na muli silang pagsasamahin agad-agad sa isang project.

“Actually sabi namin ni PJ, siguro bago tayo magkasama ulit ay maghihintay tayo ulit ng ilang taon, but this project came right in time. It’s a very good script, sa direksyon ni Joyce Bernal,” ani Toni.

Samantala, bilang ate, nagbigay reaksyon din si Toni sa recent experience ng kapatid na si Alex Gonzaga at mga kaibigan nito sa isang Korean restaurant sa Ortigas.

“Sabi nga ng kapatid ko, ‘Ate, siguro magkaiba ang culture.’ Kaya lang siyempre sanay tayo mga Pilipino na very hospitable tayo. So hindi tayo sanay na ginaganon,” ani Toni.

Pinagsabihan na rin ni Toni ang kapatid na maging mas maingat sa susunod lalo na sa mga ipo-post nito sa social media.

“Ang medyo alanganin diyan is because celebrity ka ang bilis ma-negative sa side natin, ang bilis natin magmukhang masama without the people knowing the real story,” ani Toni.

Sa ngayon ay busy si Toni at Direk Paul sa mangyayaring first birthday ng kanilang anak na si baby Seve.

(Article from http://news.abs-cbn.com/entertainment/07/31/17/bagong-pelikula-ni-toni-at-piolo-malapit-nang-matapos Image from http://www.philstar.com/entertainment/2015/05/18/1456083/piolo-toni-named-2014-box-office-king-and-queen)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: