Angelica Panganiban, bukas nga bang makatrabaho si Empoy?

MANILA – Pinag-uusapan ang “nakaw na halik” ni Empoy kay Angelica Panganiban sa nakaraang episode ng “Banana Sundae.”

Maski si Angelica ay nagulat pero dinaan na lang sa biro ang reaksyon.

“Medyo [nagulat], kasi hello, nakakahiya rin sa kanya kasi parang tinitingala na ngayon si Empoy. Hindi na siya si Empoy lang, ngayon may apelyido na siya, Empoy Marquez na siya. Kaya nag-iiba na talaga ang mga tao at nahihirapan akong mag-adjust,” ani Angelica.

Proud si Angelica sa malaking tagumpay ng pelikula ni Empoy na “Kita Kita.” Nakilala ni Angelica si Empoy bago pa man ito maging lead actor.

“Minsan nakaka-offend, kasi nakilala ko siya simula umpisa. Ang hirap naman ng transition niya, sandali lang. After 24 hours, na-realize ko, okay na rin ‘yun, Empoy na siya. ‘Pag nagkatuluyan kami ni Empoy, malay mo, ‘di ba?” aniya.

At kung bukas sa posibilidad si Angelica na maging leading lady ni Empoy, may pabirong kundisyon ang aktres.

“Wala! Agad-agad! Wala, kasi magkaibigan kami, noon pa e ang tagal na naming magkakilala, parang mga 2004/2005 pa kami magkakilala, kaya parang imposible naman. Maligo muna siya, hindi kasi siya naliligo, honest naman siya doon,” biro ni Angelica.

Dalawang pelikula ang sabay na ginagawa ngayon ni Angelica, ang “Dalawang Mrs. Reyes” kasama si Judy Ann Santos, at ang pelikula kasama si Angel Locsin.

(Article and Image from http://news.abs-cbn.com/entertainment/08/04/17/angelica-panganiban-bukas-nga-bang-makatrabaho-si-empoy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: