Alex Gonzaga, inilahad na muli siyang nakaranas ng miscarriage

Inilahad ni Alex Gonzaga na muli siyang nakaranas ng miscarriage sa ikalawang pagkakataon nitong nakaraang Oktubre.

Sa latest vlog ng kaniyang kapatid na si Toni Gonzaga, ikinuwento ni Alex na sinubukan nila ng kaniyang mister na si Mikee Morada, na muli siyang mabuntis sa ikalawang pagkakataon sa pamamagitan ng in-vitro fertilization (IVF).

Kuwento ni Alex, nagkaroon siya ng idea tungkol sa IVF sa pamamagitan ng dating First Lady ng US na si Michelle Obama.

“Nakita ko si Michelle Obama, basta nakita ko sinabi niya na nagkaroon siya ng miscarriage then after two years, ‘di sila makapag-conceive ni Barrack [Obama], so sabi niya mag-IVF siya,” saad ni Alex.

Ginawang pribado ni Alex ang ikalawa niyang pagbubuntis pero hindi rin ito nagtuloy-tuloy.

Ayon kay Alex, maluwag niyang tinatanggap ang nangyari at nananatiling mas malakas ang pananampalataya niya sa Diyos kaysa sa sakit na kaniyang naramdaman.

Unang nakaranas ng miscarriage si Alex noong October 2021.

Aminado ang aktres na nakaranas siya ng pressure na mabuntis na muli, na pati ang Diyos ay tila pini-pressure niya.

Pero ngayon, sinabi ni Alex na handa na siyang maghintay.

Naniniwala ang aktres na kailangan niyang pagdaanan ang mga naturang pagsubok para matuto siya at mas maging mabuti tao.

Ikinuwento rin ni Alex kung papaano sila nagsuportahan ng kaniyang asawa na sobrang bait at nagpakita sa kaniya ng katatagan.

Sabi umano sa kaniya ni Mikee na, “‘Masaya na ‘ko [kahit] ‘pag tayong dalawa lang. Sobrang bonus na lang sa akin yung baby.'”

Ayon pa kay Alex, batid niyang masakit ang umasa kaya tanggap na niya kung ano ang ibibigay ng Diyos para sa kaniya.

Nobyembre 2021 nang magpakasal sina Alex at Mikee, isang taon makalipas silang ma-engaged. —FRJ, GMA Integrated News

Leave a Reply

Discover more from Planet Philippines UK

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: